Home » Articles » Legal Advice

Maari bang magkasuhan ng estafa ang magkakaanak?

Maari bang magkasuhan ng estafa ang magkakaanak?
"Dear Atty.,

Maari ko bang kasuhan ng estafa ang sarili kong apo? Binibigyan ko kasi siya ng pera sa pag-aakalang gagamitin niya ito sa negosyong ipinamahala ko sa kanya. Nang malugi ang negosyo ay noon ko lang napag-alamang ibinulsa lang niya ang mga perang ibinigay ko at ginastos ang mga ito para sa kanyang sarili. Gusto ko lang sanang malaman kung may kahihinatnan ba kung magsasampa ako ng kasong kriminal.

Edna




Dear Edna,

Base sa iyong nabanggit ay pasok sa depinisyon ng estafa sa ating Revised Penal Code. Nakasaad sa  Article 315, paragraph 4(1)(b) na may krimen ng estafa kung may pang-aabuso ng tiwalang ibinigay sa salarin, na ginamit sa ibang layunin ang bagay na ipinagkatiwala sa kanya ng naperwisyong biktima.




Mula sa nasabing probisyon ay masasabing may estafa nang gastusin ng iyong apo ang salaping ipinagkatiwala mo sa para sa negosyong ipinapamahala mo sa kanya.

Gayunpaman, madi-dismiss lang din ang kasong isasampa mo sa kanya dahil nakasaad sa Article 332 ng RPC na walang kriminal na pananagutan ang magbubunga mula sa pagnanakaw, panloloko, o paninira ng ari-arian kung ang krimen ay ginawa ng isang kaanak katulad ng asawa, anak, o sa kaso mo, ng isang apo.

Hindi naman ibig sabihin ay wala nang magiging pananagutan ang apo mo. Maari ka pa ring magsampa ng kaso ngunit ito ay civil complaint lamang upang mabawi mo ang halagang nilustay ng apo mo at ng perwisyong idinulot niya sa iyo." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari bang magkasuhan ng estafa ang magkakaanak?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 600 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0