Home » Articles » Legal Advice

Maari bang idaos ang kasal online?

Maari bang idaos ang kasal online?
"Dear Attorney,

Nagpaplano na po kaming magpakasal ng nobya ko ngunit dahil sa pandemic ay tanggap na namin na hindi kami makakapagdaos ng malaking pagtitipon. Plano po namin na online na lang ganapin ang kasal. May bisa po ba ang kasalan namin kung sa Internet lamang at sa pamamagitan lamang ng mga teleconferencing apps katulad ng Zoom ito gaganapin? — Randy

Dear Randy,




Nakasaad sa Family Code na ang isa sa requirements upang magkaroon ng bisa ang isang kasalan ay ang pagkakaroon ng isang marriage ceremony kung saan haharap ang mga ikakasal sa solemnizing officer katulad ng pari, mayor, o huwes. Sa nasabing seremonya nila idedeklara, sa harap ng hindi bababa sa dalawang saksi, ang pagtanggap nila sa isa’t isa bilang mag-asawa.

Base sa nabanggit, malinaw na hindi magkakaroon ng bisa ang isang kasalan kung hindi ito isasagawa ng personal. Aktwal na pagharap sa magkakasal ang nakasaad sa batas kaya hindi maaring idaos ang kasalan sa pamamagitan ng mga makabagong apps ngayon katulad ng Zoom na ginagamit para sa mga online meetings.




Maaring gawin na ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak na lamang ninyo ang manood ng kasal n’yo online ngunit kayong dalawang ikakasal at ang mga magiging saksi ninyo ay kailangang personal na humarap sa magkakasal sa inyo.

Mahirap talagang magdaos ng mga pagtitipon ngayon ngunit hindi basta-basta ang requirement na hinihingi ng batas para magkaroon ng bisa ang isang kasal. Kung sakaling isagawa online ang isang kasal at walang naging personal na pagharap sa solemnizing officer ay siguradong walang bisa ito at pagmumulan pa ng iba’t ibang legal na isyu at problema." - https://www.affordablecebu.com/
 

Please support us in writing articles like this by sharing this post

Share this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.

--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website.

"Maari bang idaos ang kasal online?" was written by Mary under the Legal Advice category. It has been read 481 times and generated 0 comments. The article was created on and updated on 29 October 2021.
Total comments : 0