- Maging masipag at matalino ang mga magulang sa paghahanapbuhay nang sa gayon ay tumaas ang kita para may ipambili ng mga masustansiyang pagkain at ng mga food supplements.
- I-breastfeed ang sanggol mula pagkasilang hanggang anim (6) na buwan.
- Purgahin ang mga bata. Ang bulate ay nagiging kaagaw ng bata sa sustansiyang nakukuha sa pagkain. Dalhin ang mga bata (1 to 6 years old) sa Health Center tuwing "Garantisadong Pambata" sa buwan ng April at October para mabigyan ng libreng pampurga. Para sa 6 to 12 years old, ang pampurga ay ibinibigay sa buwan ng June at January sa lahat ng pampublikong paaralan.
- Pagkakaroon ng "initiative" ng tahanan, ng paaralan at ng komyunidad sa pagtatanim ng mga gulay at prutas at pag-aalaga ng mga hayop.
- Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga tuntunin at mga programang nakakatulong sa pagbaba at pag-iwas ng malnutrisyon:
- edukasyon tungkol sa nutrisyon
- livelihood programs
- micronutrient program (food fortification and micronutrient supplementation)
- pagsusulong sa masustansiyang pagpapakain sa mga bata
- pagsusulong ng healthy lifestyle
- supplementary feeding sa mga buntis at 6 to 23-month old na mga bata
- pagtatayo ng mga sanitary toilet facilities
- pagtatayo ng mga ligtas na maiinom na supply ng tubig
- Nutrition in Disaster and Risk Reduction Management
- Nutrition-Sensitive Agriculture and Development Programs
- Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) - programang nagbibigay-tulong (cash-assistance) sa mga mahihirap.
- Agrikulturang Pilipino o Agri-Pinoy - programa ng Department of Agriculture na nagpapaunlad ng sustainable agriculture, fisheries and ng natural resource management.
- Iwasan ang pagluluto at paghahanda ng pagkain na higit sa kinakailangan ng mga bata at pamilya.
- Patuloy na pag-aralan at gawin ang wastong nutrisyon.
Home » Articles » Health |
Mga Dapat Gawin Para Maiwasan Ang Malnutrisyon ng mga Bata
Kahirapan ang pinakapangunahing dahilan ng pagkakaroon ng malnutrisyon ng mga bata dito sa Pilipinas. Walang sapat na pera kaya hindi makabili ng mga masustansyang pagkain para mga bata. Kahit mahirap, may paraan upang maiwasan ang malnutrisyon ng mga bata sa isang pamilya. Ito ang mga dapat gawin upang maiwasan ang malnutrisyon ng mga bata sa Pilipinas:
Please support us in writing articles like this by sharing this postShare this post to your Facebook, Twitter, Blog, or any social media site. In this way, we will be motivated to write articles you like.
--- NOTICE ---
If you want to use this article or any of the content of this website, please credit our website (www.affordablecebu.com) and mention the source link (URL) of the content, images, videos or other media of our website. "Mga Dapat Gawin Para Maiwasan Ang Malnutrisyon ng mga Bata" was written by Mary under the Health category. It has been read 44371 times and generated 0 comments. The article was created on 27 June 2013 and updated on 27 June 2013. |
|
Total comments : 0 | |