Ang financial plan (o financial planning) ay mga detalyeng hakbang upang makuha ang partikular na halaga ng pera sa kaukulang panahon o "time period".
Ang mga hakbang na ito ay maaaring pagnenegosyo para kumita ng pera, pagba-budget, pagtatrabaho para kumita ng pera, pagtitinda ng mga produkto o pagbibigay ng serbisyo para kumita ng pera, atbp.
HALIMBAWA 1
Layunin sa BuhayMagtayo ng maliit na karinderya sa gilid ng bahay. Gagawin kong mga tauhan ang aking mga kapatid at pamangkin.
Layuning Pinansiyal
Makaipon ng P50,000.00 bilang capital sa negosyo sa isang taon.
Mga Hakbang na Gagawin:
Dapat kalkulahin kung magkano ang "average" na dapat maipon sa isang araw at isang buwan upang makaipon ng Php50,000 na halaga sa isang taon.
Php50,000 ÷ 365 days = Php136.97
Php136.97 or round-off to Php137
Php137.00 ang average na halaga na dapat itabi o kitain o pag-ipunan kada araw upang makakuha at makaipon ng Php50,000 sa loob ng isang taon.
So, sa isang buwan, Php137 x 30 days = Php4,110
Php4,110 ang average na halaga na dapat pag-ipunan kada buwan upang makakuha o makapag-ipon ng Php50,000 sa loob ng isang taon.
Kaya, dapat itanim lagi sa isip yan... nag Php137 kada araw o Php4,110 kada buwan ang dapat pag-ipunan o kitain para makapag-ipon ng Php50,000 sa loob ng isang taon.
Mga Ibang Dapat Gawin:
Bawasan ang paninigarilyo at makaipon ng 500.00 kada buwan
Iwasang kumain sa labas at makaipon ng P500.00 kada buwan
Magbenta ng mga sobrang produkto ng 4Ps backyard garden at makaipon ng P1,000 kada buwan
Makakuha ng bagong trabaho na makadagdag sa kita ng P1,000 kada buwan
HALIMBAWA 2
Layunin sa BuhayMagtayo ng maliit na grocery store sa tabi ng bahay pagkatapos ng dalawang taon.
Layuning Pinansyal
Makaipon ng P100,000.00 sa dalawang taon. Gagamitin ito bilang capital sa negosyo na "grocery store" pagkatapos ng dalawang taon.
Mga Hakbang na Gagawin:
Dapat kalkulahin kung magkano ang "average" na dapat maipon sa isang araw at isang buwan upang makaipon ng Php100,000 na halaga sa loob ng dalawang taon.
Php100,000 ÷ 730 days (2 years) = Php136.97
Php136.97 or round-off to Php137
Php137.00 ang average na halaga na dapat itabi o kitain o pag-ipunan kada araw upang makakuha at makaipon ng Php100,000 sa loob ng dalawang taon.
So, sa isang buwan, Php137 x 30 days = Php4,110
Php4,110 ang average na halaga na dapat pag-ipunan kada buwan upang makakuha o makapag-ipon ng Php100,000 sa loob ng dalawang taon.
Kaya, dapat itanim lagi sa isip yan... nag Php137 kada araw o Php4,110 kada buwan ang dapat pag-ipunan o kitain para makapag-ipon ng Php100,000 sa loob ng dalawang taon.
Mga Ibang Dapat Gawin:
Bawasang ang pagkain ng karne.
Kumain palagi ng gulay na mas mura pa kesa sa karne.
Kung may bakanteng lupa, magtanim ng mga gulay at ibenta o kainin ang mga ito upang kumita ng pera at makatipid sa pagkain
Bawasan ang paninigarilyo at makaipon ng 500.00 kada buwan
Iwasang kumain sa labas at makaipon ng P500.00 kada buwan
Magbenta ng mga scrap materials sa junkshop para kumita ng extra income. - https://www.affordablecebu.com/