Pumili ng isa 1 o dalawang 2 magkakasingkahulugang pahayag na bigyang paliwanag sa tula. Paalam Inay!
"Paalam Inay! ni Adelwisa P. Mendoza At.kumalat na ang dilim Tinakasan na ng liwanag Naupos na ang buhay katulad ng kandila Natapos na ang buhay
ang apoy ng ilaw na tumatanglaw sa tahanan. Manaka-naka'y tinangkang matakpan ang apoy upang sa hangin ay ikubli upang buhay ay madugtungan Subalit, sadyang lahat ng simula ay may wakas Ang buhay na pinahiram ng Diyos nakatakda nang wakasan Wakasan na ang paghihirap sa abang kalagayan Wakasan ang paghihirap ng mga taong nagmamahal Sadyang sa bawat yugto ng buhay ay may tanong na maiiwan? Subalit may nakalaang sagot at tuldok ang katapusan. NANAY, sa iyong paglisan
sobrang sakit ang naramdaman Subalit masaya ako kahit nasasaktan dahil hindi mo na mararamdaman ang hirap at sakit ng pagal at pagod na katawan Baunin mo Inay taus pusong pasasalamat at pagmamahal Idadalangin ko po sa Diyos na ikaw ay pagbuksan sa pinto ng kalangitaan. PAALAM na Inay kong mapagmahal."
|